(Mga larawan mula sa Palawan PPO)

Dalawang lalaki ang inaresto ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Cuyo at Coron.

Unang inaresto ng operatiba ng Cuyo Municipal Police Station (MPS) si Emmanuel Ompad, 36 taong gulang, residente ng Sitio Tabunan, Barangay Suba ng nasabing bayan, noong araw ng Huwebes, Nobyembre 4.

Si Ompad ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Norferio Nono ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) of Cuyo-Agutaya-Magsaysay sa kasong paglabag sa section 27(f) ng Republic Act 9147 o ang Wild Resources Conservation and Protection Act, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P24,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa bayan naman ng Coron, dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Coron MPS, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Palawan) at iba pang unit ng pulisya sa Barangay Poblacion 6 ngayong araw ng Biyernes, November 5 si Arnel Rodeño Puso, 41 taong gulang at residente ng Brgy. Plaridel, Aborlan.

Si Puso na nasa Oplan Pagtutugis rank no. 6 municipal level ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Jocelyn Sundiang-Dilig ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47 para sa kasong paglabag sa section 5 ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act na may petsang April 30, 2015, at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleDWPH hit for inadequate warning devices on road works projects
Next articleDuterte stresses Palawan’s key role in PH’s tourism, economic markets
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.