Dalawang wanted ang magkasunod na inaresto sa mga bayan ng Coron at Cuyo sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Unang inaresto ang 56 taong gulang na si Redempto Bohol Obispado sa Barangay Poblacion 3, Coron, nitong Huwebes, October 6, dahil sa kasong paglabag sa Section 28 ng Republic Act 10591 na may kinalaman sa illegal possession of firearms.

Inaresto si Obispado ng mga tauhan ng Coron Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Arnel P. Cezar ng RTC Branch 163 ng Coron noong April 22, 2022..

Sa Brgy. Suba sa bayan ng Cuyo naman inaresto kahapon, October 6, ang 25 taong gulang na mangingisdang si Jay-Ar Espinosa sa kasong “reckless imprudence resulting to physical injury with permanent disability.

Ang pag-aresto kay Espinosa ay sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Norferio Barranco Nono, ng 1st MCTC-Cuyo-Agutaya-Magsaysay, noong September 24.

Ayon kay Cuyo MPS, Acting Chief of Police Marvin Herrera, may kinalaman sa banggaan ng dalawang motorsiklo ang kasong kinakaharap ni Espinosa.

“Banggaan ‘yan. Hindi nagkaayos kasi ang victim dito, matindi ang naging damage ang paa, hindi makalakad, pilay,” pahayag ni Herrera.

About Post Author

Previous articleGoal of ending extreme poverty by 2030 unlikely: World Bank
Next articleBataraza sees opportunities in hosting events
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.