Dalawang pinaghahahanap ng batas sa magkaibang kaso ang magkahiwalay na naaresto ng mga awtoridad sa bayan ng El Nido at Brooke’s Point kahapon, December 21.

Unang naaresto ang 40 taong gulang na si Arwin Sadang Balcueba sa Barangay Sibaltan sa bayan ng El Nido.

Si Balcueba ay may warrant of arrest sa kasong rape by sexual assault, na ibinaba ni Puerto Princesa RTC Branch 51 Judge Ambrosio B. De Luna noong June 30, 2015.

Naaresto naman si Nazeer Butusan Hapsan, 60 taong gulang, sa Barangay Pangobilian sa bayan Brooke’s Point.

Pinaghahahanap ng batas si Hapsan sa kasong paglabag sa Anti-Bouncing Check Law at naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni 4th Judicial Region MTC Brooke’s Point Judge Evelyn Cariloria Canete na inilabas nitong sabado.

Parehong nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang parehong suspek.

About Post Author

Previous articleDND orders more AFP presence in West Philippine Sea
Next articlePres. BBM declares December 26 a special non-working holiday
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.