Larawan mula sa Palawan Police Provincial Office (PPPO)

Dalawang indibiwal ang inaresto ng operatiba ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) at Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) sa magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga sa nabanggit na bayan, araw ng Martes (Enero 25) at Miyerkules (Enero 26).

Unang naaresto ng Bataraza MPS sa kanyang bahay si Muhammad Kim, 34 taong gulang, barangay tanod, at residente ng Sitio Tagmaya, Barangay Sapa, dakong alas tres nang hapon nitong Martes.

Ayon kay P/Maj. Dhennies Acosta, hepe ng Bataraza MPS, Si Kim ay isang surenderee na bumalik sa pagbebenta ng droga.

Larawan mula sa Palawan Police Provincial Office (PPPO)

Dagdag niya, naubusan ng ibebentang droga ang lalaki kaya sinabi nito sa katransaksyon na sumama na lang sa kanyang bahay para doon kunin ang item.

“May isang area lang kasi siyang madalas magbenta o magtransakyon dahil doon lang may signal. Kaso naubusan siya, kaya ang poseur buyer namin, sumama sa bahay niya, tapos kami nakabantay na sa malapit,” pahayag ni Acosta.

“Mas matindi na kasi ngayon, na kahit mga menor de edad, pinagbebentahan na ng droga, kaya nang makarating sa amin ang impormasyon, hinuli na namin siya agad,” dagdag niya

Maliban sa nabiling isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ay nakumpiska rin sa suspek ang apat na iba pang sachet at pera, kasama na ang buy-bust money.

Araw naman ng Miyerkules nang maaresto rin ng RPDEU sa Brgy. Inogbong ang isang high value target na kinilalang si Normalyn Kali Valdez, alyas Norma Kabar, residente ng Brgy. Puring.

Nabili kay Valdez, ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,500 at maliban dito ay nakuha rin sa kanyang pangangalaga ang anim na iba pang sachet na may bigat na 0.80 grams at market value na humigit-kumulang P9,000 at perang hindi nabanggit ang halaga.

Matapos na mapansin na pulis ang katransaksyon ay nagtangka pang tumakas ang suspek na nagresulta sa pagkasugat nito at ng ilang operatiba ng pulisya.

Previous articleLPA sighted 190 kms south-southwest of Puerto Princesa City traversing the Sulu Sea
Next articleFarmers association sa Busuanga nakatanggap ng tractor mula sa MAO
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.