Ang mga suspek na sina Rose Ann Buhucan Montes, 29, at Jasmin Barreto Sampaga, 50, habang nasa kustodiya ng PS-1 sa Puerto Princesa City.

[UPDATED] Dalawang babae na inaakusahang nagsasangla ng mga peke na gintong alahas ang inaresto ng awtoridad sa Cebuana Lhuillier sa Rizal Avenue, ngayong araw, Marso 10.

Ang mga suspek na sina Rose Ann Buhucan Montes, 29, at Jasmin Barreto Sampaga, 50, ay naaresto matapos ang entrapment operation na ikinasa ng Puerto Princesa City Police Station 1 (PS-1), kasama ng City Anti Crime Task Force (ACTF).

Ito ay dahil sa sumbong ng pawnshop noong Marso 9 na peke ang mga alahas na gustong isangla ng mga ito.

Ayon sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Palawan News, ang mga suspek ay dayo lamang mula sa Maynila. May kasama pang dalawa ang mga ito na kinilala lamang bilang Mabel at Gruta.

- Advertisement -
Ang mga pekeng alahas na isinasangla ng mga suspek.

Kung susuriin, ang mga alahas na kanilang isinasangla ay lumalabas na tunay na ginto. Ngunit pinagdudahan ng alahero ng pawnshop dahil mabigat ang mga ito, at hindi angkop ang timbang tulad ng sa tunay na ginto.

Sa panayam ng Palawan News sa mga suspek, nandito lamang sila para isangla ang mga alahas sa Cebuana Lhuillier dahil mataas ang appraisal nito.

Ayon kay Montes, kahapon ay muling sinubukan niya na magpa-appraise ng dalawang pares ng hikaw at dalawang singsing sa Cebuana Lhuillier pa rin sa Lacao Street, ngunit hindi niya naisangla ang mga ito.

“Mababa daw po kasi ang P15,000 sabi ni Mabel, kaya di ko po isinangla,” sabi ni Monte.

Ayon pa rin sa kanila, mula ang mga alahas sa isang Jovie Villareal na hindi pa nila nakikilala.

Noong Marso 8 unang nakapagsangla si Sampaga at Si Mabel sa isang branch ng Cebuana Lhuillier na umabot sa P35,000 ang halaga.

Nakatakda na sanang bumalik ng Maynila ang dalawang nahuli, kasama sina Gruta at Mabel, alas 3 ngayong hapon sa pamamagitan ng Cebu Pacific, ngunit naaresto na sila.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa pa nang imbestigasyon ang pulisya.

Previous articleWage boards expected to recommend wage hikes
Next articleCitizen monitoring group calls for accountability of winning candidates
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.