No Images found.

Dalawang silid-aralan sa Rizal, nasunog

Ang magkatabing silid aralan sa Rizal Central School na tinupok ng apoy. || Photo courtesy of Hope Tasic Bundal

Dalawang silid-aralan ng Rizal Central School (RCS) sa Barangay Punta Baja sa bayan ng Rizal ang tinupok ng sunog, alas singko ng madaling araw ngayong Biyernes, April 16.

Sa ulat  ng Bureau of Fire Protection-Rizal (BFP), itinawag sa kanilang himpilan ng pulisya ang nagaganap na sunog sa loob ng RCS at agad namang itong nagpadala ng firetruck para apulahin ang apoy.

Photo courtesy of Hope Tasic Bundal

Ayon kay SFO3 Alex Calangi, hepe ng BFP-Rizal, masyadong mabilis ang pagkalat ng apoy kaya hindi nailigtas ang dalawang magkatabing silid-aralan.

“Dalawang firetruck ang pinadala natin pero mabilis na lumaki ang apoy. Naapula pa rin natin kahit papaano ang apoy at sinabuyan din ng tubig ng mga firemen natin ang mga katabing classroom para hindi madamay ang iba pa,” pahayag ni Calangi.

“Undetermined pa kung ano ang amount ng pinsala sa loob pero may mga upuan ito at may mga gamit ng mga eskwelahan. Kino-consolidate lang muna ng investigation natin,” dagdag niya.

Hindi pa rin natukoy ang pinagmulan ng sunog sa nasabing paaralan ngunit maaari rin aniyang kuryente ang dahilan.

“Hindi naman mainit, kasi madaling-araw ito and medyo makulimlim ang panahon sa Rizal. Karamihan naman sa ganito kuryente,” ani Calangi.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry