PN photo
- Advertisement by Google -

Sa lalong madaling panahon ay magkakaroon na ng maayos na kalsada ang mga estudyante at residente ng ilang lugar sa bayan ng Brooke’s Point matapos ang groundbreaking ceremonies na isinagawa para sa dalawang barangay road projects noong July 21.

Mismong si Brooke’s Point Mayor Cesareo Benedito Jr. at Vice Mayor Mary Jean Feliciano ang nanguna sa groundbreaking ceremonies ng gagawing mga kalsada sa Sitio Candiz patungong highway ng Barangay Barong-Barong at sa Amas proper patungong Amas Elementary School.

Ang road project sa Sitio Candiz ay pinondohan ng P3,487,273.79, samantalang ang sa Amas proper ay may budget na P2,105, 247.62 na pawang mula sa 20 percent development fund ng bayan.

Ang pagkonkreto ng barangay roads ay tatagal ng 180 calendar days sa ilalim ng Municipal Engineering Office (MEO) at Mayor’s Office sa pamamagitan ng Chad Laurence Trading and Constraction Services.

- Advertisement -

Sa ibinigay na maikling pananalita ni Mayor Benedito sa ginanap na ground breakingbceremony, sinabi niya dapat maging mabilis ang paggawa ng mga proyekto upang mapakinabangan agad ng mamamayan.

Derikta niya rin na ipinahayag ang kanyang saloobin sa mga kapitan at mga opisyal ng barangay na kalimutan na ang pulitika dahil tapos na ang eleksiyon kaya dapat ay harapin na ang mga tungkulin upang makapaglingkod ng tapat sa bayan.

“Ang pulitika ay isang araw lang. Para lang itong natulog ka at nanaginip, at sa iyong paggising ay dapat mo nang harapin ang iyong tungkulin bilang leader ng sambayanan,” sabi ni Benedito.

Ikinatuwa naman ng mga opisyales ng barangay ang aksiyon ng lokal na pamahalaan. Bilang ganting pahayag ay nagpasalamat ang ilang guro at opisyales ng barangay dahil malaking tulong umano ang pagsasaayos ng mga kalsada dahil ito ay isa sa mga malimit daanan na mga estudyante, lalo na ngayong magkakaroon na ng face-to-face classes.

“Maraming salamat po dahil sa wakas ay mapapasemento na rin itong daanan namin patungong school dahil kawawa ang mga estudyante ng Amas Elementary School kapag tag-ulan kasi maputik ang daan,” ayon kay Gerlie Destro, teacher in charge ng Amas Elementary School.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleMayor Cervantes ng Busuanga, nanawagan sa mga barangay na maging matipid
Next articlePWD Office sa Brooke’s Point, itatayo ng LGU
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.