Dalawang residente ng Busuanga, huli sa raid sa iligal na tupada

Dalawang lalaki ang nakorner ng mga pulis nang pasukin ang isang iligal na tupada sa Barangay New Busuanga sa munisipyo ng Busuanga, hapon ng Sabado, Mayo 22.

Kinilala ang mga suspek na pawang mga mangingisda na sina Nomer Nazareno Gimenez, 28, at Arnold Manila Ramay, 33 residente ng San Isidro, Busuanga. Ayon sa ulat ng municipal police station sa Busuanga, mayroon din na 12 pa ang nakatakas.

Narekober sa lugar ang dalawang buhay na panabong, apat na patay na manok pansabong, dalawang tari, at P470 na pera.

Sasampahan ang dalawang suspek at 12 pang nakatakas ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kinalaman sa iligal na tupada.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry