Dalawang pinaghihinalaang tulak ng shabu sa bayan ng Coron ang timbog sa buy-bust na ikinasa ng mga awtoridad kahapon, March 17, sa Brgy. Poblacion 5.

Ang mga inaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ay sina Pacifico dela Torre Tolentino Jr., 45, residente ng naturang barangay, at Ryan Aguilar Fetalino, 39, residente ng Brgy. Poblacion 1.

Nakuha mula kay Tolentino ang isang heat-sealed sachet ng pinaghihinalaang shabu at limang sachet pa ng hinihinala rin na shabu. Nakuha naman mula kay Fetalino ang P1,000 na marked money, walong piraso ng tig P1,000, at iba pang gamit na puwedeng gamiting ebidensya.

Sila ay inaresto sa joint operation na ikinasa ng Coron MPS katuwang ang RDEU/RCSG Palawan, 2nd PPMFC, RID-CIT Palawan at RIU4B-PIT Palawan.

Sila ay nasa kustodiya na ng Coron municipal police para sa karampatang disposisyon.