(Photos courtesy of PPPO and PPCPO)

Dalawang pinaghihinalaang nagtutulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan, nitong araw ng Linggo, Marso 6.

Unang naaresto ng awtoridad ang isang lalaki na kinilalang si Behardee Maulod Beting, 36 taong gulang, at residente ng Sitio Marabon, Barangay Bancalaan sa bayan ng Balabac. Siya ay nadakip sa Brgy. Poblacion V ng nasabing bayan, Linggo ng madaling Araw.

Maliban sa nabiling isang sachet ng pinaghihinalaang shabu at P1,000 na ginamit bilang buy-bust money, nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang dalawang drinking straw na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 0.100 grams at may market value na P2,000, at isang box ng sigarilyo.

Dakong 3:33 naman ng hapon ng maaresto sa Brgy. Sta. Monica sa Puerto Princesa City ang 38 taong gulang na si Oliver Corpuz Jimenez.

Nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, P1,500 buy-bust money, isa pang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at cellphone na gamit umano niya sa transaksyon sa ilegal na droga.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Post Author

Previous articleDepEd moves to allow face-to-face classes in 14 selected schools in Puerto Princesa
Next articleProVet says protective measures in place despite low chance of bird flu entry in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.