Dalawang Lalaki ang magkasunod na naaresto ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon laban sa iligal na droga sa Puerto Princesa City nitong araw ng Miyerkules, Disyembre 8.

Unang inaresto ang mekaniko na kinilalang si Jameson Luiz, 29 taong gulang, sa kanyang pinagtatrabahuhan na shop sa Barangay Tiniguiban dakong 3:25 ng hapon.

Nakuha kay Luis ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang cell phone, isang sling bag, at ang perang nagkakahalaga ng P600 na ginamit sa buy-bust operation.

Dakong 5:40 naman ng hapon nang maaresto rin ang isang tricycle driver na kinilalang si Andonino Del Mundo Luay, 47 taong gulang, sa isa pang buy bust operation sa Purok Matahimik, Brgy. San Pedro.

- Advertisement -

Nakuha kay Luay ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang cell phone, at ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P1,000.

Ang dalawa ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Previous articleFarmers to forge marketing agreement with gov’t agencies for better income
Next articleNIA-Palawan says construction of irrigation projects hampered by pandemic
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.