Gezaldy Obidos Heredero, alyas Abraham.

Dalawang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga ang magkasunod na naaresto sa dalawang barangay sa Lungsod ng Puerto Princesa, araw ng Martes, Agosto 24.

Unang nadakip si Dave Israel A. Benitez, 28 taong gulang, sa isinagawang buy-bust operation ng City Police Drug Enforcement Unit (PDEU) sa Barangay Bacungan, 2:25 ng hapon.

Nakuha sa kanya ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, P5,000 na pera, cellphone at motorsiklo.

Alas diyes ng gabi naman nang madakip ng Regional PDEU at mga tauhan ng Police Station 2 si Gezaldy Obidos Heredero, alyas Abraham, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sta. Monica.

- Advertisement -

Nakuha sa kanya ang tatlong piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na .085 grams at nagkakahalaga ng P5,000.00 at P1,500 marked money na ginamit sa operasyon.

Ang dalawa ay nasa kustodiya ngayon ng awtoridad at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Previous articleMemoirs as a kidnap victim
Next articleBilang ng enrollee sa PSU-Sofronio Española tumaas