Ang isa sa mga suspek na inaresto ng MPS Linapacan

Dalawang wanted sa batas ang nadakip ng operatiba ng Linapacan Municipal Police Station (MPS) sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Decabaitot nitong Sabado at Linggo, Mayo 8 at 9.

Unang naaresto si Romel Calix, 56 taong gulang, sa bahay nito sa nabanggit na barangay bandang alas kwatro ng madaling araw noong Sabado at bandang 11:30 naman ng umaga kinabukasan ay nadakip din ang anak nito na si Ramel Calix, 28 taong gulang.

Ang dalawa na itinuturing na Rank No.  4 at 5 most wanted ng bayan ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Arnel Cezar ng Branch 163 ng Palawan Regional Trial Court (RTC) ng Coron sa kasong paglabag sa Section 92 ng Republic Act 8550 as amended by RA 10654 o ang amended Fisheries Code na may kaukulang piyansa P60,000 bawat isa.

Ayon kay P/Lt. Alan delos Santos, hepe ng Linapacan MPS, ang dalawa ay kabilang sa karamihan ng mga mangingisda sa lugar na gumagamit ng iligal na pamamaraan ng pangingisda, partikular ang pagamit ng dinamita para sa mabilisang pangingisda.

“Noong mga nakalipas na taon ay nahuli na rin sila na gumagamit ng dinamita o pagbu-bungbong sa pangingisda. Ang rason nila ay mabilisan at maramihan na huli,” pahayag ni ni delos Santos.

Ang dalawa ay agad namang dinala sa Coron RTC na ayon kay Delos Santos ay posibleng makapagpiyansa rin ngayong araw.

Previous articleBayan ng Taytay pinaigting ang pagbabantay sa checkpoint
Next articleCity council recommends use of VCO in fight against COVID-19
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.