Dalawang wanted sa batas ang nadakip ng awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa bayan ng Bataraza at Aborlan, araw ng Lunes, Agosto 9.

Unang naaresto si Lope Baillo Arquio III, 27 taong gulang, sa Barangay Sandoval, Bataraza. Si Arquio na itinuturing na No. 3 Most Wanted sa provincial level ay inaresto sa kasong robbery.

Sa bayan naman ng Aborlan, dinakip ng pulisya sa Sitio Tagbariri, Barangay Magsaysay si Reynaldo Navarro na wanted sa kasong 3 counts of rape at No. 6 Most Wanted sa regional level.

Si Arquio ay dinakip ng operatiba ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Ramon Chito P. Mendoza ng Regional Trial Court (RTC) Branch 165 sa bayan ng Brooke’s Point na may petsang May 3, 2021.

Si Navarro ay dinakip ng tauhan ng Aborlan MPS sa bisa naman ng warrant na inilabas ni Judge Jocelyn Sundiang-Dilig ng RTC Branch 47 sa lungsod ng Puerto Princesa na may petsang July 9, 2021.

Parehong walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalaang kalayaan ng dalawa.

About Post Author

Previous articleDisregarding the fit-to-work certification by company doctors
Next articleVP Leni firm on uniting opposition before October filing, says ’kapag nag-file ako, walang atrasan’
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.