Dalawang mangingisdang nahuli sa kanluran ng Paya Island, Barangay Alcoba, Magsaysay, Palawan.

Dalawang mangingisda ang hinuli ng mga personnel ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS) dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance No. 2010-079 na nagbabawal sa pangingisda gamit ang compressor sa karagatan na sakop ng territorial waters nito sa kanluran ng Paya Island, Barangay Alcoba, noong Linggo, Hulyo 4.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Jerry Tambal Paglinawan, 43, at Elmer Necesario Yadao, 39, na parehong residente ng nabanggit na bararangay.

Dalawang mangingisdang nahuli sa kanluran ng Paya Island, Barangay Alcoba, Magsaysay, Palawan.

- Advertisement -

Nakuha mula sa kanila ang isang unit ng air compressor na may kumpletong accessories, dalawang piraso ng goggles, isang piraso ng spear gun, at dalawang piraso ng improvised foot paddles.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pangingisda gamit ang compressor dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan ng tao maging sa yamang dagat.

Previous articleBeware of the Aswangs!
Next articleTatlo arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa Roxas at Brooke’s Point
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.