Ang mga inarestong suspek sa pangmomolestiya na sina Semre Musadal at Sandy Cabuali. (Photo courtesy of Bandera Palawan)

Dalawang suspek na nabibilang sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) ang inaresto ng mga security personnel ng 2go vessel noong Linggo patungong Puerto Princesa City matapos sinasabing hipuan ng mga ito sa maseselang bahagi ng katawan ang siyam na menor de edad na atleta na pauwi rin mula sa paglahok sa MIMAROPA Regional Athletics Association (RAA) meet.

Ang mga inaresto ay kinilalang sila Semre Musadal at Sandy Cabuali dahil sa panghihipo sa siyam na batang takot na takot sa pangyayari.

Sumakay ang dalawang suspek sa 2go mula sa bayan ng Coron at nakasabay ang mga batang atleta.

Ikinuwento ng mga batang atleta na habang sila ay nasa kalagitnaan ng biyahe ay nagkayayaan silang maligo sa banyo ng barko. Habang sila ay nasa loob, biglang pumasok ang dalawang suspek at pinaghihipuan sila sa mga maseselang bahagi ng katawan.

Ayon naman sa paliwanag ni Cabuali, hita lang ng mga batang atleta ang kanyang hinipo dahil kinausap naman niya ang mga ito kung papayag.

“Hinawakan ko lang po ang hita nila pero kinausap ko naman kung papayag sila,” paliwanag ni Cabuali.

Sabi naman ng mga bata, walang katotohanan ang sinabi ng suspek. Nagtangka pa raw ang mga ito na bigyan sila ng pera para hindi magsumbong pero ipinaalam nila sa kanilang mga magulang ang pangyayari kaya naaresto ang mga ito pagdating sa  lungsod.

Sabi ng dalawang suspek, hindi raw nila napigilan ang mga sarili kaya nila nagawang hipuan ang mga bata.

“Hindi ko rin po alam, basta hahawakan ko lang sila,” sabi naman ni Musadal.

Nasampahan na ang dalawang suspek ng kaukulang kaso sa korte at naka-detine na ngayon.

Previous articleDon’t put political color in graduation rites – DepEd
Next articleMGB, Japan firm eye joint study of pit lake in Sta. Lourdes