Sugatan ang dalawang lalaki sa Barangay San Jose dito sa Puerto Princesa City matapos diumano na masagi ng isang tricycle ang motorsiklo na kanilang sinasakyan bandang 6:45 ng gabi, Pebrero 19.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Kenneth Tabinga, driver ng motorsilo, at ang angkas nito na si John Michael Buenaventura. Pauwi na sana silang dalawa sa tinutuluyang bahay sa Dacillo Road mula sa kanilang trabaho ng sila ay maaksidente.

Ayon sa mga nakasaksi, matapos masagi ay hindi umano huminto ang tricycle upang saklolohan ang dalawa.

- Advertisement -

“Pauwi na kami galing sa highway papasok ng Gabrielle (pool resort), tapos kasalubong namin yung tricycle, palabas po siya ng White House. Hindi na namin alam kung papunta siya ng San Manuel o highway (San Jose),” pahayag ni Tabinga.

Sa video na ito ay maririnig ang usapan ng mga sumaklolo sa dalawang naaksidente, lalo na nang makita ang isa na may malaking sugat sa kaliwang binti.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa tanggapan ng 911 si Tabinga para tingnan ang mga CCTV na posibleng nakuhanan ang nangyari. Si Buenaventura naman ay dinala sa Ospital ng Palawan (ONP) dahil sa sugat na natamo sa aksidente.

Previous articleLabi ng posibleng babae na biktima ng bagyong Odette, natagpuan sa Brgy. Concepcion
Next articlePartly overcast to cloudy skies with isolated rain showers over Palawan due to easterlies
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.