(Larawan mula sa Google Maps)

Dalawang lalaki ang sugatan matapos malaglag sa sinasakyang forwarder truck na may kargang mga yero sa Barangay Sta. Cruz, Puerto Princesa City, Lunes ng umaga.

Ayon kay Jeffrey Abrea na may-ari ng mga larawan, nadaanan niya ang naturang aksidente. Sa kuwento niya, biglang nagbukas ang siding ng truck na siyang naging dahilan na malaglag ang mga yero kasama ang dalawang sugatan.

“Nagbukas bigla ‘yung siding ng truck kaya nalaglag ‘yung mga yero kasama sila,” pahayag ni Abrea.

Dagdag ni Abrea, naabutan niya ang multicab ng Barangay Sta. Cruz upang ma-rescue ang dalawang lalaki na hindi pa natutukoy ang mga pangalan para madala sa pagamutan.

Magdadala sana ang mga ito ng yero sa Barangay Maoyon na isa sa mga sinalanta ng nagdaang bagyong Odette.

Previous articleUnbridled illegal tree cutting caused destruction of bridges in Puerto Princesa – DPWH
Next articleCOMELEC upholds Cudilla to end marathon dispute over Araceli mayoralty