Ang mga suspek ay kinilalang sina Constancio Elijan Jr., 57, at Ian Timbancaya, 35, mga residente ng Barangay New Cuyo sa nasabing bayan. Nakuha mula sa mga suspek ang limang pirasong tari, isang manok panabong, at 100 pesos na pera.

Ayon kay P/Maj. Erwin Carandang, hepe ng Roxas Municipal Police Station (MPS) hinuli nila ang mga suspek dahil sa sumbong ng barangay kagawad tungkol sa iligal na aktibidad ng mga suspek

“Naaktuhan namin sila at nagtakbuhan ang iba. Tumawag sa amin ang isang barangay kagawad at nagsumbong na may nagaganap na sabong. Marami sila, ang mga naiwan nilang motor ay 16 lahat,” pahayag ni Carandang.

Sa ngayon nakalabas na ang mga suspek mula sa kostudiya ng Roxas MPS ngunit sasampahan pa rin sila ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling.

Previous articleCulion mayor De Vera engages CSGH doc in a social media word war
Next articleProvincial board asks for security briefing on presence Chinese militia vessels at WPS