Home NEWS LAW & ORDER Dalawang lalaki patay matapos mag-inuman sa Roxas

Dalawang lalaki patay matapos mag-inuman sa Roxas

2
0

Patay ang isang magsasaka at ang kainuman nito matapos magkagulo sa Sityo Stockpile, Barangay Dumarao, Roxas noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang dalawa bilang sina Katong delos Santos at Bobie Latumbo. Ang mga suspek naman ay pinangalanan na sina Benjie Barroca Latumbo, Vicente Dahildahil Emit, Beverly Latumbo, Gina Latumbo Emit, at Pagong Deloso.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis sa Roxas, magkasamang nag-iinuman noong Linggo ng gabi, ika-12 ng Enero, 2020, ang mga ito ng magkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ni Katong at Bobie.

Umalis si Bobie sa inuman ngunit nagbalik ito na kasama na ang limang suspek na armado ng baril at itak at sinugod si Katong. Bilang depensa, nasaksak ni Katong si Bobie na dahilan kaya ito binawian ng buhay.

Binaril naman si Katong nina Benjie at Emit gamit ang isang homemade shotgun na sanhi ng pagkamatay nito.

Naaresto rin ang dalawang suspek ng mga operatiba ng Roxas municipal police.

 

Previous articleMath teacher in Narra bags two national awards for educator
Next articleMove to declare Victoria-Anepahan Range a new protected area gains ground
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.