No Images found.

Dalawang lalaki, nasagip ng Coast Guard-El Nido matapos masiraan ang bangka

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang magkapatid sakay ng kanilang bangka na nagpalutang lutang sa dagat na sakop ng Linapacan

Nasagip ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang magkapatid matapos masiraan at magpalutang-lutang sa laot ang sinaksakyan nilang bangka dahil sa sama ng panahon sa karagatang sakop ng bayan ng Linapacan noong Lunes, Marso 15.

Ayon kay Lt. Sg. April Bernal, acting commander ng Coast Guard Station (CGS) El Nido, umalis sa Sityo Uson, Nangalaw, Linapacan ang dalawa at patungo sana ng San Fernando sa bayan ng El Nido para sunduin ang kanilang kapatid nang masiraan ang bangka dahil sa sama ng panahon.

“Mga 11:10 ini-report sa amin ng kapatid na susunduin sana nila, 11:20 umalis ang mga tropa to conduct Search and rescue operation  at nakita sila 11:50 , saka dinala na namin sa San Fernando, ” pahayag ni Bernal.

“Part pa din ng Linapacan sila, pero malapit na sa San Fernando,  kaya kami na ang nag-rescue. Masama kasi ang panahon, maalon. Nagkaproblema ang makina nila, hindi na nila mapaandar,”

Ang dalawa ay nasa maayos na lagay na at kasalukuyan pa ring nasa  Brgy. San Fernando.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry