Sugatan ang dalawang lalaki matapos magtagaan sa Barangay New Barbacan sa bayan ng Roxas noong Sabado ng gabi, January 21.

Kinilala ang mga sangkot na sina Cleare Sausa Maybanting, alyas Toto, 24 taong gulang, at 39 taong gulang na si Jerry Claro Sanchez.

Base sa report ng Roxas Municipal Police Station (MPS), nagkasalubungan ang dalawa at nagkapambunuan bago parehong bumunot ng kani kanilang mga itak at saka nagtagaan.

“Galing sa bukid ang biktima tapos ng masalubong siya ng suspek sakay ng motor. Hinintuan siya saka sinabihan na “ngayon mo ako hamunin na hindi ako lasing”, tapos bumunot na siya ng itak,” pahayag ng imbestigador.

Ayon pa sa imbestigasyon, matagal ng may alitan dahil sa lupa ang dalawa.

“May away na sila matagal na sa lupa. Pero itong new year, nagkainuman pa sila. Pumunta ang suspek sa  bahay ng biktima para makipag inuman. Doon pa lang nagka abutan na sila, at nabugbog ang suspek (Sanchez),” pahayag pa ng imbestigador ng kaso.

Kasong frustrated murder ang kakaharapin ni  Sanchez na kasalukuyang nasa pagamutan dahil sa tama ng itak sa leeg, tiyan, at tenga.

About Post Author

Previous articleU.S. donates P1.6 million to combat wildlife trafficking, envi crime in Palawan.
Next articleCloudy skies with rain in Palawan, other parts of the country due to the LPA
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.