- Advertisement by Google -

Tatlong suspek sa ilegal na pamumutol ng kahoy ang inaresto kahapon ng umaga, July 6, sa watershed area sa Talakaigan River sa Barangay Magbabadil, Aborlan.

Ang mga inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 9175 at Presidential Decree 705 bandang 11:30 ng umaga ay sina Manuel Virgilio Magsico, 58, isang magsasaka at Richie Tanaya Gaborno, 47, isang helper, mga residente ng Brgy. Magbabadil, sa naturang bayan, at Biboy Zarasa Lasting, 37, chainsaw operator, residente ng Brgy. Cabigaan sa kaparehong bayan rin, na ngayon ay at-large.

Naaresto sila sa pamamagitan ng Bantay Palawan Task Force na nag-report ng kanilang ilegal na pamumutol sa personnel ng Aborlan Municipal Police Station (MPS) bandang alas 9 ng umaga.

Pagtungo ng mga pulis sa Talakaigan River, kasama ang mga personnel ng Special Boat Unit (SBU) ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group sa lugar, naabutan nila ang mga suspek na aktuwal na namumutol ng Ipil lumber gamit ang isang chainsaw na walang serial number.

- Advertisement -

Nakumpiska mula sa mga suspek ang walong iba’t ibang haba ng Ipil lumber na ngayon ay nasa kustodiya na ng Aborlan MPS.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article3 katao, arestado sa drug buy-bust sa Narra
Next articleCOMELEC Palawan records over 1,500 new registrants
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.