Itinuturo ng tanod ang motorsiklong pinaglagyan ng mga umano'y ninakaw na kable sa Brgy. Bancao-Bancao

Dalawang lalaki ang hinuli ng barangay tanod matapos maaktuhan na nagnanakaw ng mga kable ng streetlights sa Circumferential Road sa Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, bandang ala una ng madaling-araw, ngayong sabado, Abril 10.

Ang mga suspek na parehong 20 anyos ay kinilalang sina Noel Fuyuna at Luis Jake Fernandez.

Habang nag-iikot ang grupo ng tanod sa pangunguna ni Aurilio Mauricio ay napansin nilang walang ilaw ang mga poste sa bandang Princesa Island Garden Resort palabas ng Jacana.

“Inilawan namin ng flashlight ang paligid at sa hindi kalayuan ay may nakita kaming isang nakaparadang motorsiklo. Nilapitan namin, doon namin nakita sa gilid ang isang lalaki na nakadapa at may hawak ng backpack,” pahayag ni Mauricio

Maliban sa backpack ay napansin din sa tabi nito ang mga pula at green na mga kable na nakalapag sa lupa. Nang pinabuksan ng mga tanod ang bag ay tumambad sa kanila ang iba pang kable na kulay itim.

- Advertisement -

Pagkatapos nito ay nagpatuloy sa  paghalughog ang mga tanod at isang lalaki pa ulit ang nakita nilang nagtatago na agad din nilang inaresto.

Ayon pa sa tanod, may tatlo pang kasamahan ang dalawa na nakatakas at isa dito ay kinilalang si  Romeo Farjan habang ang dalawa ay hindi umano kilala ng mga suspek.

Previous articleBangkang pangisda na gumagamit ng ‘superlight’ nasabat ng pulis sa Cuyo
Next articlePPC records one new COVID-19 case, total active cases stand at seven
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.