Dalawang lasing na lalaki ang inaresto sa Barangay Iraray, Sofronio Española at Sta. Monica sa Puerto Princesa matapos na manlaban sa mga pulis nitong araw ng Biyernes, Abril 23.

Unang dinakip ng tauhan ng Sofronio Española Municipal Police Station (MPS) sa Iraray ang suspek na kinilalang si Richard Gavino nang ito ay mag-amok habang may hawak na patalim sa kanilang bahay, pasado alas onse ng gabi. Maliban dito ay nanlaban pa at pinagbantaan ang mga rumespondeng pulis.

Sa lungsod ng Puerto Princesa ay inaresto rin ng mga operatiba ng Police Station 2 (PS 2) si Noel Galvez Garillo, 23, sa Quarantine Control Point o checkpoint sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Sta. Monica.

Ayon kay P/Maj. Alevic Rentino, hepe ng PS 2, lasing si Garillo nang dumaan sa checkpoint at nang hinarang siya para tanungin kung saan pupunta ay sinigawan nito ang pulis.

“Tinanong siya ng pulis natin na nagbabantay sa checkpoint kung saan siya pupunta, taga saan siya. Tapos sinagot niya ang pulis na ‘taga San Jose, anong pakialam mo?’,” pahayag ni Rentino.

- Advertisement -

Sinubukan pa umanong pakalmahin ng pulis ang suspek, at pagpahingahin, ngunit sinigawan pa nito ang pulis.

Si Gavino ay nakatakdang sampahan ng kasong direct assault to person in authority at resistance and disobedience to a person in authority sa ilalim ng Article 148 at Article 151 ng Revised Penal Code at  Article 151, samantalang si Garillo naman ay sasampahan din ng kasong disobedience to a person in authority.

Previous articleDalawa arestado sa iligal na sabong sa Narra
Next articleChef Aiza’s community kitchen offers healthy drinks to frontliners
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.