Ang dalawa ay kinilalang sina Salvani Dagayan Salvador, 42, at ang chainsaw operator na si Salarsa Escoton, 52 .

Dalawang lalaki ang inaresto ng awtoridad matapos maabutan sa aktong namumutol ng kahoy sa bundok ng Sitio Apis, Barangay Apoc-apoc sa bayan ng Aborlan, 4:30 nang hapon noong Huwebes, September 23.

Ang dalawa ay kinilalang sina Salvani Dagayan Salvador, 42, at ang chainsaw operator na si Salarsa Escoton, 52 .

Sa report ng Aborlan Municipal Police Station (MPS), nagsasagawa sila ng pagpapatrolya sa nasabing lugar nang mamataan ang dalawa na namumutol ng kahoy gamit ang isang chainsaw.

Matapos na walang maipakitang kaukulang dokumento ay inaresto ng pulisya ang dalawa at kinumpiska ang chainsaw na walang serial number.

- Advertisement -

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng Aborlan MPS na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 7 (4) ng Republic Act 9175o ang Chainsaw Act of 2002.

Previous articleEU opens opportunity for Pinoys to study in Europe
Next articlePCSDS DMD–North joins marine turtle conservation workshop
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.