Dalawang lalaki ang dinakip ng awtoridad para sa kasong illegal gambling at acts of lasciviousness sa bayan ng Aborlan at Cuyo, araw ng Lunes, September 27.
Unang inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Aborlan Municipal Police Station (MPS), 2nd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Maritime Group Quezon-Special Boat Unit si Ernie Cubid Naval, 35 taong gulang at residente ng Purok 1, Barangay Culandanum sa bayan ng Aborlan.
Si Naval ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Judge Norferio B. Nono ng Palawan Regional Trial Court na may petsang July 26, 2021 para sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended by Republic Act 9287 o ang Anti-Gambling law at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P30,000.
Sa bayan naman ng Cuyo, dinakip ng operatiba ng Cuyo MPS at 2nd PMFC si Rexy Alagos Blancia, 29 taong gulang at residente ng Brgy. Bancal sa kasong acts of lasciviousness.
Si Blancia ay inaresto sa bisa ng warrant na inilabas ni Cuyo-Agutaya-Magsaysay Municipal Circuit Trial Court Presiding Judge Norferio B. Nono na may petsang September 23, 2021 sa kasong paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code at may nakalaang piyansa na nagkakahalaga ng P36,000.
Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
