Photo from San Vicente LGU

SAN VICENTE, Palawan — Nadagdagan ng dalawang kaso ng COVID-19 ang bayang ito matapos na magtala ng dalawang positibo sa rapid antigen test nitong araw ng Huwebes, Mayo 27.

Umakyat sa 46 mula sa 44 ang bilang ng kaso sa bayan matapos na madagdag ang dalawang residente mula sa Barangay Poblacion at Brgy. Alimanguan.

Sa talaan ng Municipal Health Office (MHO), ang Brgy. New Agutaya ang may pinakamaraming kaso na may 16. Sumunod ang Brgy. Poblacion na may 14, at Brgy. Alimanguan naman ay may pitong kaso.

Sa Brgy. Port Barton ay may lima; Brgy. San Isidro may dalawa, at ang Brgy. Sto Niño naman ay may isa.

Previous articleU.S. and Korea strengthen development cooperation partnership in the Philippines for climate resiliency
Next articlePCG commandant challenges personnel to step up presence, fly PHL flag with pride in West Philippine Sea
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.