Photo courtesy of PDEA

Dalawang indibidwal ang inaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad na isinagawa sa isang lodging house sa Sitio Kayasyasan, Barangay Rio Tuba sa Bataraza, kahapon bandang 2:40 ng umaga, Abril 17.

Ang mga suspek na nakumpiskahan ng 10 gramo ng hinihinalang shabu ay kinilalang sina Reynaldo Marcelo Vergel, 56, at Jainalyn Cahag Tamisic, 27, kapwa residente ng Brgy. Panacan 2 sa bayan ng Narra.

Inaresto sila matapos makabili ang undercover agent ng isang medium heat-sealed transparent plastic sachet kapalit ng marked money. Ang pag-aresto ay isinagawa ng pinagsamang mga operatiba ng PDEA Palawan, Bataraza MPS, PIU, Palawan PPO, RDEU, at 1st PMFC.

- Advertisement -
Photo courtesy of PDEA

Ayon sa report mula sa PDEA, ang inilalakong shabu umano ay galing pa sa isla ng Bancalaan at dala ni Tamisik para sa binibili ng kanilang undercover agent .

“Ang lalaki taga Narra, pumunta dito (Bataraza) para salubuning yong babae galing ng Bancalaan para ibaba lang yong item,” pahayag ng isang PDEA agent na hindi maaaring banggitin ang pangalan.

Ang unang plano pa umano ay sa Narra gawin ang transaksyon noong Abril 15 subalit nagsabi si Vergel na aakyat na lang ng Rio Tuba.

“[Noong] nakaraan pa itong transaksyon dapat, pero dahil sa sama ng panahon, malakas ang alon hindi daw makatawid yong may dala ng item, kaya itong Friday lang. Nasa Narra na kami, dahil sabi nga ready na ang items (shabu), pero biglang sinabihan kami na sa Rio Tuba na gagawin ang bilihan,” ayon pa sa pahayag ng PDEA agent.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang dalawang malalaking sachets ng pinaghihinalaang shabu, rolyo ng aluminum foil, improvised lighter, puting straw, pack ng sigarilyo, ilan pang drug paraphernalia, at ang P5,000 na ginamit ng mga awtoridad bilang buy-bust money.

Previous articleTourists flock to San Vicente during Holy Week break
Next articleGubernatorial aspirant vows to ramp up Palawan’s development
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.