Larawang kuha ng Bataraza MPS matapos maaresto dalawang indibidwal habang nagsasabong sa Brgy. Culandanum noong Nobyembre 14, 2021.

Dalawan indibidwal ang naaresto, samantalang tatlo ang nakapuslit sa mobile patrol operation ng awtoridad laban sa iligal na sabong sa Sitio Colimbawang, Barangay Culandanum sa bayan ng Bataraza, hapon nang Linggo, Nobyembre 14.

Ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kinalaman sa iligal na sabong ay kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO) sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos bilang sina Ricardo Rosas Manalo, residente ng Sitio Tagbituka, Brgy. Tarusan (Bulosan) at Elizer Liza Mission, residente ng Culandanum.

Ang mga “at large” naman ay kinilala na sina alyas Ego Casiño, Totoy Isipan, at Hernan Cola, ayon pa rin sa ulat ng PPO.

Naaresto sila matapos magsagawa ng mobile patrol operations ang Bataraza Municipal Police Station (MPS) at makita ang maraming bilang ng motorsiklo na nakaparada sa isang abandonadong bahay sa isang palm plantation sa Culandanum.

- Advertisement -

Nang tingnan ang lugar ay nadiskubre ng mga pulis na mayroong isinasagawang iligal na sabong.

Kumpiskado mula sa kanila ang 4 na piraso ng gaffer knives, P650 na pantayang pera, at anim na fighting roosters na ang tatlo ay may sugat.

Previous articleClimate change ravages Palawan agriculture, fisheries
Next articleHeeding Returns in Real Estate