Dalawang menor de edad na babae na nakitang pagala gala sa baywalk ng lungsod ang sinaklolohan ng mga awtoridad, at pagkatapos ay isinailalim sa kustodiya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Sa pahayag ng CSWDO kahapon, July 21, sinabi nito na ang dalawa na kapwa 14 taong gulang ay ni-rescue ng mga tauhan ng Police Station 1 noong July 13 matapos makita sa baywalk at mapag-alaman na naglayas mula sa kanilang mga bahay sa bayan ng Rizal sa southern Palawan.

Nakipag-ugnayan rin agad ang CSWDO sa MSWDO ng Rizal kaya ang mga ito ay naibalik na sa kanilang mga magulang noong July 14 matapos ang counselling.

Nagbabala naman ang CSWDO sa mga magulang at kaanak na huwag pabayaan ang mga anak lalo na kung sila ay menor de edad.

“Ang paglalayas ng mga anak/kabataan (lalo’t higit ang mga babae) mula sa kanilang tahanan ay maaaring magdala sa kanila sa kapahamakan tulad ng child-trafficking, eksploytasyon at pang-aabusong pisikal o sekswal at iba’t ibang uri ng pang-aabuso,” ayon sa CSWDO.

Ayon sa batas ang pagpapabaya sa mga anak ay may kaukulang parusa ayon sa Executive Order 209 o Family Code of the Philippines at RA 7610 o Special Protection for Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Previous articleLPA sa loob ng PAR, binabantayan ng PAGASA
Next articleMga tatay, dapat magbigay ng child support ayon sa batas
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.