Si Solano sa isinagawang "Skills training in Organic Agriculture and Food Processing"  sa Brgy. Dumarao noong August 20.

Humigit-kumulang 1,000 seedlings ang ipamamahagi ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa Palawan sa mga barangay ng Dumarao at Abaroan sa bayan ng Roxas sa darating na buwan ng Setyembre bilang bahagi ng community support program ng ahensya sa pamamagitan ng coconut farming reproduction sa komunidad ng nabanggit na lugar.

Ayon Kay Arlo Solano, acting Division I Chief ng PCA Palawan, ang suportang ipagkakaloob ay bahagi ng kanilang gagawin upang makatulong sa dalawang barangay sa inilunsad na programa ng lokal na pamahalaan ng Roxas, kaugnay sa Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) na nakapaloob sa Executive Order No. 70 ni  Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing suporta ay ipinangako ni Solano sa dalawang komunidad na ito nang siya ay dumalo sa isinagawang “Skills training in Organic Agriculture and Food Processing”  sa Brgy. Dumarao noong August 20.

“Nag-pledge po tayo sa kanila, seedlings para sa mga identified recipients this month of September. Hopefully matapos na natin agad, bilang suporta sa coconut reproduction, at maging productive sa niyog ang area,” pahayag ni Solano.

Dagdag niya, mahigit 100 seedling na maaring maitanim kada ektarya ng lupain ang maaring matanggap ng bawat benepisyaryo. Sa kabuuan ay nasa 20 ektarya ng lupain sa Dumarao at nasa 30 ektarya naman sa Abaroan ang maaring taniman ng niyog.

“Sa Abaroan ay nagko-coordinate na tayo para maibigay natin sa lalong madaling panahon ang seedlings sa mga coconut farmers. Naghahanap din tayo ng maaaring mapagkukunan ng para naman sa Dumarao,” ani Solano.

Kaugnay nito, magtatayo rin ng nursery ang PCA-Palawan sa Dumarao at kapag tumubo na ang seedlings ay maaari na itong ipapamigay sa mga benepisyaryo.

“Direct ang seedlings para sa Abaroan habang ang para sa Dumarao ay manggagaling sa ating nursery. Posibleng magsimula na rin ang bidding para sa nursery,” pahayag pa niya.

Samantala, nanawagan na rin si Solano sa mga magsasaka ng niyog sa bayan ng Roxas na hindi pa nakapagpa-rehistro sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) na mangyaring pumunta sa opisina ng Municipal Agriculture Office (MAO) upang makapagpatala.

Layunin NCFRS na maka-avail ang mga magsasaka ng niyog sa mga programang cash incentives at subsidies na nagmumula sa PCA at sa Department of Agriculture (DA).

About Post Author

Previous articleProv’l Board authorizes Gov. JCA to sign agreement with POPCOM vs adolescent pregnancy
Next articlePuerto Princesa City eyed as potential site for nuclear power plant
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.