Dalawang barangay sa lalawigan ng Palawan ang nakapasa upang maging “drug-cleared barangay” sa isinagawang 4th Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing and Deliberation sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa na ginanap kahapon, Agosto 15, 2022.
Ito ay ang mga barangay ng San Juan sa munisipyo ng Aborlan at Poblacion sa bayan ng Narra.
Ayon sa pahayag ng Provincial Information Office (PIO), pasado ang dalawang barangay sa isinagawang validation at maging sa mga panuntunan upang ganap nang maideklarang drug-cleared barangays ang mga ito.
Nilinaw ni PIO Atty. CJ Cojamco sa panayam ng Palawan News ang kaibahan ng drug-cleared sa drug-free.
“Drug-cleared meaning previously classified as drug affected then subjected to drug clearing operation and declared free from any illegal drug activities pursuant to the parameters set forth by the regulation. Drug Free means no reported case of selling and drug users,” ayon kay Cojamco
Ayon pa sa PIO, malaki ang maiaambag ng hakbang na ito sa layunin ng pamahalaang panlalawigan na maideklarang drug-cleared province ang Palawan bago matapos ang taong 2022.
Ayon sa PIO mayroon na lamang 10 drug affected municipalities habang 12 ang kinokonsiderang Drug Cleared Municipalities at 1 naman ang Drug Free Municipality sa buong lalawigan ng Palawan
1 Drug Free Municipality – Cagayancillo
12 Drug Cleared
- Araceli
- Dumaran
- Busuanga
- Cuyo
- Linapacan
- Kalayaan
- Quezon
- Agutaya
- Sofronio Espaniola
- Roxas
- San Vicente
- Magsaysay
10 drug-affected subjected for validation and clearing
- Narra
- Aborlan
- El Nido
- Taytay
- Brooke’s Point
- Culion
- Coron
- Rizal
- Balabac
- Bataraza
ADERTISEMENT
BILLBOARD SPACE FOR LEASE | Start your business with us.
Located at Chinatown Center Palawan Corner Bonoan, Valencia Street Puerto Princesa City Palawan.
For more info contact us 0995-038-2027.
