Dalawang bangka na sakay ang 21 mangingisda ang nasabat ng mga tauhan ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) sa karagatang sakop ng Sombrero Island sa bayan ng Aborlan, ganap na alas kwatro ng hapon noong araw ng Miyerkules, Abril 21.
Ang nasabing mga bangka ng “Rapid Care 2” ay nahuling nagsasagawa ng iligal na pangingisda gamit ang compressor na mahigpit na ipinagbabawal dahil sa panganib na dulot nito sa tao at sa kalikasan.
Ang mga hindi na pinangalanang mangingisda ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Provincial Ordinance (PO) No. 819 as amended by PO No. 1643 o banning the use of compressor in fishing in the waters of Palawan.
“Regular filing ang gagawin natin dahil ngayon ay naka-lockdown pa ang provincial prosecutor. Usually P2,000 talaga ang fine dyan at six months imprisonment,’ pahayag ni P/LT Anna Abenojar, tagapagsalita ng 2nd SOU-MG.



