Ang dalawang bangka ay naabutang nagsasagawa ng iligal na pangingisda gamit ang purse seine at trawling sa Tabak Rock.

Dalawang bangka na may sakay na 29 mangingisda ang magkasunod na nasabat ng awtoridad sa karagatang sakop ng Barangay Lubid sa bayan ng Cuyo, dahil sa paglabag sa municipal fisheries ordinance ng nasabing bayan, araw ng Miyerkules, August 18.

Unang nahuli ang bangkang F/V Benita na pagmamay-ari ni Charls Rico, mula sa Cadiz City, Negos Occidental, bandang 11:30 ng umaga nang nasabing araw. Kasunod na naharang naman ang F/V Sihne na pagmamay-ari ng isang Reynaldo  Turbanos, mula sa Culasi, Roxas City.

Ang dalawang bangka ay naabutang nagsasagawa ng iligal na pangingisda gamit ang purse seine at trawling sa Tabak Rock sa nabanggit na lugar, na ipinagbabawal sa ilalim ng Municipal Ordinance Nos. 2021-1883, 2016-1564 at 2021-18901.

Nakumpiska sa mga ito ang humigit-kumulang 6,000 na mga kilo ng isda.

Ang mga mangingisda ay agad ding pinakawalan matapos na makapagbayad ng kaukulang multa.

Previous articleChina using flares to drive off Philippine patrols in West Philippine Sea
Next articleDuterte fires NEA chief over corruption
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.