Photo by Roxas LGU

Dalawang bagong kaso ng COVID-19 at siyam na recoveries ang naitala sa bayan ng Roxas, ayon sa ulat ng Municipal Health Office (MHO) nitong araw ng Lunes, Mayo 31.

Ang mga bagong kaso ay isang lalaking 43 taong gulang, at isang babeng 33 taong gulang, na parehong nagmula sa Barangay New Barbacan.

Sa kasalukuyan ay may 48 aktibong kaso sa Roxas.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ay isinailalim ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) sa general community quarantine ang bayan simula ngayong Hunyo 1 hanggang 15.

Patuloy pa rin ang pakiusap ng MHO sa mga mamamayan na manatili sa bahay at sundin ang mga pinaiiral na alituntunin kaugnay sa health protocols.

Previous articleReport says families now most dynamic force in travel
Next articleBagyong Dante binabantayan ng Mimaropa RDRRMC
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.