Muling nagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Cuyo, araw ng Sabado, Mayo 22.

Sa isang post sa official Facebook page ng pamahalaang bayan, maliban sa dalawang bagong kaso ay mayroon ding tatlong suspect case ang naiulat nitong araw ng Linggo kung saan, dalawa dito ay mula sa Barangay Cabigsing at ang isa naman ay mula sa Brgy. San Carlos.

Samantala, patuloy pa rin ang pakiusap ni Dr. Jacquiline Vigonte, municipal health officer ng bayan na patuloy na sumunod sa pinaiiral na health protocols at precautionary measures na umiiral sa bayan upang maiwasan ang lalong pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan.

Sa kasalukuyan ay may 14 na aktibong kaso at 3 suspect case ang bayan ng Cuyo.

Previous articleEssential gatherings pinapayagan na sa San Vicente
Next articleMga pasyente ng COVID-19 sa bayan ng EspaƱola, hiniling na makipagtulungan sa contact tracing team
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.