Sugatan ang dalawang lalaki matapos na maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Saraza sa bayan ng Brooke’s Point, ngayong Sabado ng hapon, Marso 26.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Ramel Arsula, driver ng motorsiklo at angkas nito na si Boboy Mani, residente ng Sitio Tabud sa nabanggit na barangay.

- Advertisement -

Ayon sa mga nakasaksi, iniwasan ni Arsula ang kasalubong na isa ring motorsiklo kaya nangyari ang aksidente.

Si Arsula ay nagtamo ng sugat sa mukha, samantalang si Mani ay nagtamo ng pinsala sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Wala namang natamong pinsala ang driver ng kasalubong na motorsiklo.

Previous articleFIRST LOOK: Netflix drops teaser images for Stranger Things 4 premiering on May 27
Next articleMotor na iniwan ng driver matapos magpahabol sa tanod ng Brgy. Sicsican, nasa pangangalaga ngayon ng CTMO
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.