Larawan mula sa Puerto Princea City Police Office (PPCPO)

Nasampahan na ng kasong murder ang dalawa sa tatlong suspek na nakapatay sa isang menor de edad na lalaki noong gabi ng June 18, habang naglalakad ito pauwi kasama ng ilang kaibigan sa Barangay San Jose.

Kinilala ang mga suspek na sina Joshua Ponce de Leon Carandang at Edwin Doce Eleazar, habang at-large pa din ang kanilang kasama na si John Gerald Espiritu.

Ayon kay Puerto Princea City Police Office (PPCPO) spokesperson P/Capt. Joy Iquin, unang naaresto ang isa sa Barangay Bagong Sikat, habang ang isa naman ay dinampot na sa Police Station 1 (PS 1), matapos na ituro ng mga witness.

“Si Carandang nahuli sa Purok Puloy, Brgy. Bagong Sikat. Si Eleazar naman ay pumunta sa PS 1 at doon na siya itinuro ng mga witnesses,” pahayag pa ni Iquin.

“Pinabulaanan nila na sila ang may gawa ng krimen and denied na sila ang nakuhanan ng CCTV,” ayon kay Iquin.

Bago ito, sinasabing isa sa mga suspek ang sumuntok sa biktima. Nagawa pa umanong magsitakbuhan ng mga biktima, ngunit hinabol sila at inatake, na nauwi sa pagkakasaksak sa 17 taong gulang na biktima.

Nasawi ito umaga ng June 19.

Previous articleMarcos eyes VAT from partially-processed ore exports
Next articleCoops, MSMEs must constantly evolve and innovate, startup expert says
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.