Home NEWS OF THE DAY Dalawa, arestado sa iligal na tupada sa Española

Dalawa, arestado sa iligal na tupada sa Española

3
0
Ang mga nadakip na suspek na nagsasagawa ng iligal na tupada sa Barangay Iraray, Sofronio Española,

Dalawang indibidwal na nagsasagawa ng iligal na tupada ang nadakip ng awtoridad sa Barangay Iraray, Sofronio Española, 4:30 ng hapon araw ng Biyernes, Abril 9.
 
Ang mga suspek ay kinilalang sina Jully Seño Barena, 46, at Raymund Segovia Resaba, 39, mga mangingisda at residente ng nasabing lugar.

Ang mga nakumpiska sa mga nagsasagawa ng iligal na tupada

Ayon sa Sofronio Española Municipal Police Station (MPS), nakatanggap lang sila ng text mula sa isang concerned citizen tungkol sa nagaganap na sabong sa isang lugar. “May nagtext lang po sa amin na mayroon nga pong nagsasabong doon sa area,” pahayag ng pulis.
 
“Ang diskarte kasi ng ilan sa ngayon, enkwe-enkwentro lang yan sila. Kokonte lang ang tao para hindi sila gaanong mahalata. Residential lang ‘yun, pero kasi may mga tari, at pustahan, na bawal talaga,” dagdag pa nito.
 
Nakuha sa lugar ang dalawan manok na pangsabong, mga tari at isang box na naglalaman ng mga kagamitang panabong, at pera na nagkakahalaga ng P300.
 
Ang dalawa ngayon ay nasa kustodiya Sofronio Española MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree1602.

Previous articleRHU pinabulaanang may nag-positibo sa COVID-19 sa San Vicente
Next articleWESCOM vows to investigate China harassment of ABS-CBN crew in WPS
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.