Home NEWS OF THE DAY Dalawa arestado sa iligal na sabong sa Narra

Dalawa arestado sa iligal na sabong sa Narra

1
0
Illegal na sabungan sa Sityo Pag-asa, Barangay Calategas, Narra, Palawan.

Dalawang lalaki ang nadakip ng mga awtoridad habang nakatakas naman ang tatlo nitong kasamahan nang pasukin ng mga operatiba ng Narra Municipal Police Station (MPS) ang isang sabungan sa Sityo Pag-asa, Barangay Calategas, Sabado ng hapon, Abril 24.

Ang mga nadakip na suspek ay kinilalang sina Eduardo Marzo Perez, 44, miyembro ng CAFGU, at Keineth Bantiling Guirnela, 27, habang ang nakatakas naman ay kinilalang sina Eduard Talakay, isang alyas Bong Ruanso, at isang alyas Dodot Manzan.

Ilan sa mga nadakip sina Bantiling at Marzo.

Nakumpiska ng pulisya sa lugar ang 14 na pirasong sasabunging manok P410 halaga ng pera at iba pang kagamitang pansabong.

Sa report ng Narra MPS, isang impormasyon mula sa asset ang kanilang natanggap at agad nilang pinuntahan ang lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng iligal na sabong.

Previous articleMga magsasaka sa Roxas at Taytay sasailalim sa ‘school-on-the-air’
Next articleDalawang lalaki, arestado matapos manlaban sa pulis
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.