Dalawang lalaki ang nadakip ng awtoridad sa isang buy-bust operation matapos mabilihan ng marijuana sa Wescom Road, Barangay San Pedro, dakong alas diyes kagabi, Mayo 21.

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Paul Morato, 26, residente ng Brgy. Masipag, at Nilo Bernabe, 18.

Napag-alaman na si Morato ay nakulong na rin sa kaparehong kaso taong 2018 hanggang 2019, samantalang si Bernabe naman ay kabilang sa high-value target (HVT) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at dalawang buwan na itong minamanmanan.

Nakuha sa dalawa ang mga pinatuyong marijuana na nakasilid sa pakete ng sigarilyo, P1,000 buy-bust money at isang cellphone.

- Advertisement -

Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Previous articleMga residente ng Magsaysay, huli sa iligal na pangingisda sa Agutaya
Next articleClimate change fuels need for community gene banks: expert
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.