Larawan mula sa Bataraza Municipal Police Station

Dalawa ang arestado habang isa naman ang nakatakas sa dalawang araw na magkasunod na operation ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) laban sa ilegal na pamumutol ng mga bakawan sa Sitio Tadtalad, Barangay Tarusan sa bayan ng Bataraza, Southern Palawan, nitong Sabado at Linggo, October 29 at 30.

Ayon sa hepe ng Bataraza MPS na si Maj. Dhenies Acosta, ikinasa ang operasyon dahil na rin sa ilang report ng mga concerned citizen sa lugar tungkol sa diumano ay walang habas na pamumutol ng mga bakawan sa lugar.

Huli sa akto ng pamumutol ng bakawan gamit ang chainsaw na walang permit ang 59 taong gulang na si Armie Signay Puntas at 25 taong gulang na si Junjun Masteo Ramtab noong Sabado, October 29.

“Dahil marami ang mga kahoy, hindi [kaya] ng sasakyan at kailangan pang maglakad ng malayo at magbangka, dinala na lang namin ang mga suspek saka ang chainsaw nila,” pahayag ni Acosta.

Aabot sa 14 ang pinutol na bakawan na tinatayang nagkakahalaga ng P37,000 na kasalukuyang nasa pangangalaga ng DENR CENRO Brooke’s Point.

Ayon pa sa mga pulisya, sinubukan nilang pabalikan ang lugar sa kanilang mga tauhan kinabukasan, October 30, ang mga naiwang kahoy ng maabutan nila ang isang lalaking nakilalang si Rex Iyu, alyas “Eric”, habang namumutol ng mga puno ng bakawan.

Agad namang nakatakas ang suspek na patuloy nang pinaghahahanap ng mga awtoridad,

About Post Author

Previous articleThree ‘submerged’ warships retired, awaiting disposal: PH Navy
Next articlePagpapagawa ng mga parol, malaking tulong sa mga PDL ng Narra District Jail
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.