Home NEWS OF THE DAY Dahil sa pagbabanta, 2 inaresto ng Cuyo MPS

Dahil sa pagbabanta, 2 inaresto ng Cuyo MPS

3
0

Inaresto ng awtoridad ang dalawang lalaki na wanted dahil sa kasong grave threat sa Barangay Caponayan, Cuyo sa magkasunod na araw ng Hunyo 24 at 25.

Unang naaresto sa kanyang bahay sa Sityo Ecombal ang 32 anyos na si Rene Agawin, habang ang 33 anyos naman na si Raffy Villaronte ay dinampot ala una ng madaling araw kinabukasan, Hunyo 25, sa bahay din nito sa nasabing sityo sa Caponayan.

Si Agawin at Villaronte ay sinampahan ng kasong grave threat ng kanilang nakaaway sa lugar, ayon kay P/Lt. Marvin Herrera. Sinabi nito na mula sa simpleng away ay sinugod daw ng dalawa ang bahay ng kanilang biktima na kinilalang si Benito Padon, tanghali noong April 18, ng kasalukuyang taon.

“Sinugod nila ang biktima sa bahay tapos may dala silang itak at saka nagbanta na papatayin nila ito,” pahayag ni Herrera.

Ang dalawang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Norferio B. Nono ng 1st MCTC Cuyo-Agutaya-Magsaysay na may petsang June 24, 2021, kung saan may inirekomendang piyansa na aabot sa  P36,000.00 bawat isa.

Previous articleTaytay patuloy na mananatiling nasa ilalim ng GCQ
Next articleBPI-Philam encourages protection for OFWs against the global rise of COVID-19 variants
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.