Ang suspek na si Jose Vicentidad Loquias, 40, at ang itak na kanyang ginamit ng pagtatagain ang pamangkin na si Samuel Loquias Montes, 28. (Larawan mula sa Palawan PPO/Narra MPS)

Hindi pagkakaintindihan dahil sa kalasingan ang nakikitang dahilan ng Narra Municipal Police Station (MPS) kung bakit nangyari ang insidente ng pananaga sa Purok Enojas, Barangay Panacan sa naturang bayan, alas kwatro ng hapon noong Pebrero 24.

Ang biktima ay kinilalang si Samuel Loquias Montes, 28, samantalang ang suspek ay pinangalanan na ang tiyuhin nito na si Jose Vicentidad Loquias, 40.

Ayon kay Narra MPS chief P/Maj. Reggie Manalo, dahil sa magkamag-anak ang mga sangkot sa insidente ay tinitingnan pa nila kung magsasampa ng kaso ang biktima.

“Hindi lang talaga sila nagkaintindihan, dahil pareho nang lasing. Pero, ang uncle din [ng biktima] ang nagdala sa kanya sa ospital sa Narra. Doon nga namin naaresto ang suspek, paghatid sa kanya,” pahayag ni Manalo.

Ayon sa report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng tiyuhin hanggang sa makaubos ng isang bote ng alak. Pagkatapos ay naglinis na ang pamangkin ng suspek ng paligid ng bakuran, ngunit nilapitan siya ni Loquias at pinagtataga gamit ang itak.

Hanggang sa isinusulat ang balita na ito ay nananatili pa rin sa ospital ang biktima, samantalang ang suspek ay nasa kustodiya ng Narra MPS.

About Post Author

Previous articleBagong terminal sa bayan ng Sofronio Española pinasinayaan
Next article19 scholars ng TESDA para sa Shield Metal Arc Welding NC 1, matagumpay na nagsipagtapos
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.