Muling magtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo bukas, March 7, base sa inilabas na anunsyo ng mga oil players ngayong araw.

Ito ay sa gitna ng malawakang tigil-pasada na ikinasa ng mga transport groups laban sa napipintong modernisasyon at pag-phase out ng mga jeepney.

Magtataas ang mga kompanya ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Seaoil Philippines Corp. ng P0.40 sa presyo ng gasolina, P1.50  sa diesel at P1.25 naman sa kerosene.

Inaasahan naman ang anunsyo ng iba pang mga kompanya ngayong araw.

Ito ay kasunod ng rollback sa mga presyo ng petrolyo noong nakaraang linggo.

Previous articleTattoo artist, timbog sa buy-bust sa Brgy. Sicsican
Next articleIpilan Nickel files complaint with ARTA vs Brooke’s Point Mayor Cesareo Benedito Jr.