Ang nasa isang kilometrong daan na inirereklamo ng mga residente sa Bgy.Punang, Sofronio Española. (Larawan mula kay Melnalyn Maha)

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Nanawagan ang mga katutubong nakatira sa Sitio Anilao sa Barangay Punang na sana ay mapansin ng lokal na pamahalaan at ng mga opisyal ang kanilang maputik at bako bakong daanan upang ito ay isaayos dahil matagal na nila itong problema.

Ayon kay Pablicio Asil, presidente ng komunidad, kapag panahon na ng tag-ulan ay hindi na ito madaanan sa sobrang kapal ng putik.

Aniya, ilang beses na rin umano itong nailapit sa lokal na pamahalaan at sa mismong barangay, ngunit hindi pa rin mabigyan ng pang-matagalang solusyon.

“Perwisyo talaga sa amin ang kapal ng putik, malalim ang daan, halos mga motorsiklo ay hindi makadaan. Nailapit na namin ito sa pamamagitan ng aming kapitan pero reimprovement lang ang nangyari, kinabkab lang, at inayos kaunti pero kapag umulan balik ulit sa problema,” sabi niya.

“Kapag eleksyon, lagi nila itong pangako sa amin pero kapag nanalo na, wala na rin, gusto lang namin matagal na solusyon sana, mapasemento kung maaari,” dagdag ni Asil.

Sa hiwalay na panayam kay Mayor Marsito Acoy, ipinaliwanag niya na taun-taon ay kasama ang Sityo Anilao sa reimprovement pagdating sa mga kalsadang kailangang mabigyan ng aksyon ng lokal na pamahalaan sa siyam na barangay.

Ngunit kauukulang pondo ang kailangan at koordinasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at provincial government ang kasalukuyang ginagawa ng kanyang opisina upang kahit papaano ay mabigyan ng maginhawang daan ang mga residente sa lugar.

Ayon pa sa kanya, aatasan niya ang Municipal Engineering Office (MEO) sa lalong madaling panahon upang matingnan ang problema sa naturang daan.

“Hindi ko alam kong anong road yan, kung my equipment lang tayo ay grabahan natin yan kaya lang hindi pa dumating ang ating mga trucks ngayon,” paliwanag ni Acoy noong Sabado, September 11.

About Post Author

Previous articleNew Philippine corpse flower is phallic-shaped, funky smelling — and nearly extinct
Next articleNo IP mandatory representatives yet in five Palawan towns
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.