Ayon kay Ferdinand Sabuya, DA technologist, bilang suporta ng DA-RAC ay magbibigay sila ng vegetables seedlings upang hindi na bumili ang mga paaralan at mga magulang para sa proyekto.

Binisita ng Department of Agriculture-Rural Agriculture Center (DA-RAC) ang ilang paaralan sa bayan ng Sofronio Española para sa planong paglalagay ng proyektong Gulayan sa Paaralan, noong araw ng Miyerkules, Nobyembre 24,

Ang Gulayan sa Paaralan ay isang programang itinataguyod ng mga paaralan sa Sofronio Española katuwang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Department of Agriculture (DA), at Department of Education (DepEd).

Kabilang sa mga paaralang tinungo ng DA-RAC ang Aboabo Elementary School, Isumbo Elementary School at Panitian National High school.

Ayon kay Ferdinand Sabuya, DA technologist, bilang suporta ng DA-RAC ay magbibigay sila ng vegetables seedlings upang hindi na bumili ang mga paaralan at mga magulang para sa proyekto.

- Advertisement -

“Ang suportang ibibigay sa mga schools na ito ay seeds. Nakita na namin ang areas at nakatakda na silang magsimula. Actually mayroon din nga sa Burirao sa bayan ng Narra,” pahayag ni Sabuya, Nobyembre 24.

Ayon naman kay Marieta Rafael, Project Development Officer II ng 4Ps ng bayan, ang programa ay nagsisilbi ring suporta sa mga magulang na miyembro ng 4Ps upang magkaroon sila ng karagdagang ng income.

“May mga schools na nga nakapag-harvest na before and may mga school na ia-adopt pa lang ang programa. Umaasa kami na makakatulong ito lalo na ngayong panahon ng pandemya,” pahayag ni Rafael.

Dagdag niya, isinusulong ito sa mga magulang na benipisyaryo 4Ps ang gardening bilang livelihood program ngayong panahon ng pandemya upang maging economic survival nila.

“Nagbibigay tayo ng livelihhod sa kanila. Actually hindi lang gulayan kundi maging pagtatanim ng saging, pamamahagi ng kambing at iba pang livestock,” dagdag ni Rafael.

Previous articleKorean actor Gong Yoo’s ‘The Silent Sea’ premiering Dec 24 on Netflix
Next articleCity Council says no to “No vax, No Christmas Bonus policy”
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.