Labing-pitong unit ng rice thresher ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa bayan ng Busuanga. | Larawan mula sa MAO Busuanga.

Labing-pitong unit ng rice thresher ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa mga rehistradong organisasyon ng mga magsasaka sa bayan ng Busuanga nitong araw ng Huwebes, Hulyo 22.

Ang mga nabanggit na kagamitang pansaka ay ipinamahagi sa mga magsasaka sa mga barangay ng Cheey, Sto. Niño, Quezon at Buluang na isinakatuparan sa pangangasiwa ng Municipal Agricultures Office (MAO) sa pangunguna ni municipal agriculturist Maria Theresa Rabe.

Labing-pitong unit ng rice thresher ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa bayan ng Busuanga. | Larawan mula sa MAO Busuanga.

- Advertisement -

Ang mga kagamitan ay ipinagkaloob sa mga farmers organization sa nasabing lugar na kanilang magagamit bilang tulong sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na isinasakuparan ng DA-Philippine Mechanization Program (DA-Philmech) sa buong bansa.

“Matagal na nila itong hiling sa DA at sa ating LGU at sa wakas ay naipagkaloob dito ang 17 unit na makinarya para sa kanila. Malaking bagay ito para sa mga organisasyon  ng mga magsasaka dito sa ating bayan. Noong unang linggo rin ng July, namahagi rin ng handtractor ang DA,” pahayag ni Rabe.

Dagdag niya, ang mga makinaryang ito ay malaking kabawasan sa mga gastusin mga bawat magsasaka dahil hindi na nila kailangang magrenta sa mga pribadong nagmamayari ng mga agricultural machineries dahil may sarili na silang magagamit sa kanilang organisasyon.

“Kung titingnan natin ang mga kita at pondo ng mga farmers organization ay maliit lang kaya tayo sa DA ay lagi natin silang tinututukan sa mga machineries na kailangan pati na rin sa iba pang mga agricultural inputs,” dagdag niya.

Previous articleMan who fatally hacked younger brother arrested
Next articleCity opens new quarantine facility
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.