Ang pamamahagi ng fertilizer vouchers sa bayan ng Aborlan, Brooke's Point, Taytay, El Nido, Roxas at Rizal. (Larawan mula sa DA RFO MIMAROPA)

Nasa 7,805 na magsasaka mula sa mga bayan ng Aborlan, Brooke’s Point, El Nido, Rizal, Roxas, at Taytay ang pinagkalooban ng fertilizer vouchers ng Department of Agriculture (DA) Mimaropa sa ilalim ng Rice Subsidy Program (RSP).

Ayon sa pahayag na inilabas ng kagawaran noong Miyerkules, October 26, ang mga vouchers ay nagkakahalaga ng P1,131 kada ektarya para sa binhing inbreed, at P2,262 kada ektarya naman para sa binhing hybrid.

Umabot sa P23,408,349.89 ang kabuuang halaga ng fertizer vouchers na ipinamahagi sa nasabing mga bayan para sa dry season.

Samantala, nakatakda namang mabahagian ng fertilizer vouchers ang iba pang bayan tulad ng Coron, Culion, at Busuanga sa buwan ng Nobyembre.

Tinataya namang aabot ng P50,953,787.52 ang halaga ng fertilizer vouchers na kanilang ipapamigay sa mga magsasaka ngayong wet season.

Paalala ng DA Mimaropa, kinakailangang nakarehistro ang mga magsasaka na nais makatanggap ng fertilizer voucher sa Registry System for Basic Sector of Agriculture, o RSBSA, at kailangan din na naka encode ang kanilang pangalan sa Farmers Information Management System, o FIMS.

About Post Author

Previous articlePaeng heads for N. Samar, Bicol; CAAP airports prepared
Next articleWind Signal No. 1: Gusty rains, strong winds in Northern Palawan due to Paeng
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.